Regine Velasquez posing for a picture © Provided by PEP.ph

Magta-tatlong taon na sa Oktubre mula nang lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN mula sa GMA-7.

Paano niya ia-assess ang mga kaganapan sa career niya ngayon? Na-achieve ba niya ang mga nais niyang makamit?

"When I came back in ABS-CBN, siyempre, madami akong expectations. Pero hindi naman ako kasi iyong tipo ng tao na over iyong ie-expect mo.

"Basta ako I went there, I came here, and I was just really very happy to be part of ASAP Natin 'To because a lot of my friends are there, you know.

"Actually all my friends are there," at natawa si Regine.

"So I was so happy to be seeing them every Sunday. I was also happy to sing, to sing every week na sa kakakanta ko, parang, 'coz before that, I was having a hard time singing, you all know the story.

"But nowadays since I've been using it, it seems like it's getting easier for me to sing. Iyong hindi na naghahanap ng oras, dati kasi kailangan iyong... basta maarte siya. Nakakainis, gusto ko siyang sabunutan," pagbibiro pa ni Regine tungkol sa boses niya.

"Iyong kailangan ko siyang i-warm up, iyong mga ganun.

"But nowadays, even if I just wake up, I actually have a voice. It's good although kailangan ko pang batakin, but I'm good."

Sabi pa ni Regine, "blessed and happy" siya sa kanyang experience sa Kapamilya network, kung saan nabigyan raw siya ng pakakataong makatrabaho sina Sharon Cuneta, Vice Ganda, at Sarah Geronimo.

"I was able to work with people that otherwise it would have been impossible talaga to work with them, like Vice, Ate Sharon, you know, in a full concert, and, of course, Sarah.

"Sarah was my last concert, last year lang, February lang iyon, e.

"That was the last concert bago mag-lockdown, bago mag-pandemic.

"So I was just so excited and so happy, and kung hindi nangyari iyong pandemic, I'm sure ang dami ko pang gagawing concert kasi ang dami ko pang hindi nakakatrabaho.

"Although nakakatrabaho ko sila sa ASAP, pero iba din kasi yung concert kasi that's how you get to know each other kasi lagi kayong magkikita, e."

REGINE ON WORKING WITH SHARON

Sabi pa ni Regine tungkol sa kanyang experience working with the Megastar, "And of course natuwa ako na I actually had the chance to work with Ate Sharon, and you all know that I am the biggest fan of Ate Sharon, and now I call her Ate Sharon.

"Di ba, iyong parang sobrang naging friends kami sobrang...na-in-love ako sa kanya.

"Sabi ko sa asawa ko, 'Pasensiya na mahal kasi na-in-love ako kay Sharon Cuneta!'"

REGINE ON WORKING WITH VICE GANDA AND SARAH

Kumusta naman ang kanyang experience with Vice and Sarah?

"...Vice has been my friend for a long time, I've known him since he was, iyong payatot na payatot na Vice pa," at tumawa si Regine.

"And, of course, my love, si Sarah, si baby Sarah. I'm so happy I got to work with her.

"So hopefully matapos na ito [pandemic] para makatrabaho ko pa ulit iyong iba, like hindi pa ako nakakapag-back-to-back concert with Gary [Valenciano], iyong mga ganun."

Sino pa ang gusto niyang makatrabaho sa Kapamilya network?

Binanggit niya sina KZ Tandingan, Yeng Constantino, Angeline Quinto, Kyla, Moira Dela Torre.

"Andami pa, hindi ko ma-mention lahat. Naka-two years na ako [sa ABS] pero excited pa rin ako kasi alam ko na madami pang possibilities.

"Ang dami pang puwedeng gawin."

Nakausap ng members ng media mula sa iba't ibang bansa si Regine sa live streaming for Freedom mediacon noong January 26, 2021.

REGINE's FREEDOM CONCERT

Sold out agad ang VIP tickets ng Freedom digital concert ni Regine Velasquez.

Ang available na lang ay general admission tickets, at ikinatuwa ito ng Asia's Songbird.

Aniya, "Of course, I was very happy! We were all very happy.

"Siyempre kasi, kasi kinakabahan nga ako dito sa concert na ito kasi hindi ko alam kung merong interesado pang manood dahil nga marami din akong nagawang online shows last year."

Karamihan sa online shows ni Regine noong nakaraang taon ay private functions, kung saan ang iba ay lumabas sa social media dahil nag-post ang mga nakadalo sa private show.

"I'm very thankful that we had work last year, alam mo iyon?

"Napaka-blessed namin na we were still able to work last year.

"Kaya lang kinabahan ako for this concert dahil nga ang dami kong ginawa last year...at maraming lumabas.

"Kaya tuwang-tuwa ako nag-sold out agad iyong mga VIP tickets namin."

Dagdag pa ni Regine, "Normally kasi ang Valentine concert ko, back-to-back. It's been years, how many years ng ginagawa ko na nagba-Valentine concert ako, but if you notice, it's always a collab.

"First time ko ulit in a long time na magba-Valentine concert kaya we made it really, really special for everyone."

Ang Freedom concert ni Regine ay mapapanood sa February 14, 2021, (8 p.m., Manila time) via the digital platform KTX.ph, kung saan ka rin puwedeng mag-book ng tickets.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa Freedom concert ni Regine, puntahan lamang ang Ktx.ph sa Facebook (www.facebook.com/ktxtickets), Twitter (@KtxPH), at Instagram (Ktx.ph).

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

汤姆高清影院