Michael V. posing for the camera: Michael V. Driver's Licence cover Michael V. Driver's Licence cover

Ibinahagi ni Michael V. ang kaniyang nakakatuwang "cover" ng kantang "Driver's License," matapos kumasa sa challenge ng kaniyang matalik na kaibigang si Ogie Alcasid.

Sa Instagram, inilahad ni Ogie na paborito niya ngayon ang chorus ng kantang "Driver's License" ni Olivia Rodrigo kaya naman gumawa siya ng version niya nito kasama ang asawang si Regine Velasquez.

?

?

Napahanga naman ang netizens sa walang kupas na galing sa pagkanta ng Filipino singer-songwriter at ni Asia's Songbird.

Dahil sa pinost ni Ogie, na-inspire si Bitoy na kumasa sa #driverslicensechallenge at gumawa ng "cover" gamit ang kaniyang ukelele.

Pero ibang "cover" pala ang ibig sabihin ni Michael dahil sa halip na kumanta, kinuha niya ang kaniyang driver's license saka ito tinakpan ng ukelele.

?

?

Natuwa ang netizens sa classic antics ng Comedy Genius at Bubble Gang creative director.

"Ang Galing ng Cover mo brod!" sabi ng isang netizen.

"Grabe sir nkakatouch. Ansakit sa panga," ayon sa isa pang netizen.

"I don’t even know the song. Pero I’m in love with this cover. The best everrrrr," komento ng isa pa.

"Wala na, finish na! Nakaka tats(*touch) kuya @michaelbitoy " dagdag ng isa pang user. — Jamil Santos/LA, GMA News

This article Michael V., may nakakatuwang cover ng 'Driver's License' gamit ang ukelele was originally published in GMA News Online.

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

汤姆高清影院