a person standing in front of a screen: to all the boys to all the boys

Inihayag ng mga bida sa "To All The Boys" ang pagkaing Pinoy na kanilang paborito.

"One of my closest friends from high school is Filipino. Her mom would always make lumpia just for her to take to school," kuwento ni Lana Condor sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa "24 Oras" nitong Lunes.

"And so I became so obsessed that I would force my friend to force her mother to make me my own private batch," natatawa pa niyang dagdag.

Ganito rin ang kuwento ni Ross Butler, na nagsabing lumpia rin ang isa sa mga paborito niyang pagkaing Pinoy.

"I have a lot of Filipino friends. We get Filipino food up in San Francisco and I love it," ani Ross. "Lumpia is one of my favorite Filipino foods."

Nakatakda sanang pumunta sa Pilipunas ang "To All The Boys" cast noong nakaraang taon pero hindi ito natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon kay Noah Centineo, na nais niyang pumunta sa Pilipinas kapag puwede nang bumiyahe.

"This time that we're in will pass, assuredly it will pass," sabi ni Noah. "When it does, I will be in the Philippines. I cannot wait to meet all of you."--FRJ, GMA News

This article Mga bida sa 'To All The Boys,' inihayag ang paborito nilang Pinoy food was originally published in GMA News Online.

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

汤姆高清影院