Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo, Sarah Geronimo are posing for a picture © Provided by PEP.ph

Para kay Matteo Guidicelli, ang misis na si Sarah Geronimo ang kanyang "only sunshine."

Ito ang mababasa sa latest sa napakaraming Instagram posts ni Matteo, 30, tungkol sa 32-year-old singer-actress.

Sa post ni Matteo ngayong Lunes, February 1, ibinahagi niya ang latest photos nila ni Sarah.

Sa unang litrato, makikita si Sarah na napakaganda ng ngiti habang suot ang isang pink terno.

Sa pangalawang picture, magkasama na sina Sarah si Matteo.

Nakasuot naman ng Barong Tagalog ang aktor.

Dumalo ang mag-asawa sa wedding ng isa nilang kaibigan nitong Linggo, January 31.

Pambungad ng chorus ng 1939 classic song na "You Are My Sunshine" ni Simon Ravenhall ang caption ni Matteo sa post niyang ito para sa asawa.

Sabi ni Matteo kay Sarah: "You are my sunshine, my only sunshine. [sunshine emoji]"

THE CONTROVERSIAL SARAH-MATTEO SECRET WEDDING

Sa February 20, 2021 ipagdiriwang nina Sarah at Matteo ang kanilang first wedding anniversary.

Sa parehong petsa noong nakaraang taon, nabalot ng kontrobersiya ang dapat sana ay pinakaespesyal na araw para kina Sarah at Matteo.

February 20, 2020 ng gabi nang idaos ang kanilang sikretong Christian wedding ceremony sa Victory Church sa The Fort, Bonifacio Global City sa Taguig City.

Hindi sana mabubunyag ang tungkol doon kung hindi nagpa-blotter sa Taguig City Police ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara laban kay Matteo madaling-araw ng February 21.

Reklamo ni Tamara, sinuntok daw siya ni Matteo nang pagbintangan siya ng aktor na nagpaalam sa ina ni Sarah, si Mommy Divine Geronimo, ng tungkol sa kasalan.

Itinanggi ni Matteo na sinuntok niya si Tamara.

Sumugod sa wedding reception sa Shangri-La sa BGC si Mommy Divine at nagkaroon ng kaguluhan sa lugar.

Kuwento ng mga naroroon sa reception, galit na galit daw si Mommy Divine sa lihim na pagpapakasal ng anak kay Matteo.

Hindi kaila sa publiko na hindi pabor si Mommy Divine kay Matteo para kay Sarah.

Kalaunan, humupa rin ang kontrobersiya, na sinundan ng tahimik, masaya at simpleng pamumuhay ng newlyweds.

Ngayong mag-iisang taon na ang nakalipas, walang balita kung nagkaayos na si Mommy Divine at sina Sarah at Matteo.

Microsoft may earn an Affiliate Commission if you purchase something through recommended links in this article.
Feedback

Found the story interesting?

Like us on Facebook to see similar stories


Send MSN Feedback

We appreciate your input!

Please give an overall site rating:

汤姆高清影院